Skip navigation

TO SEE IS TO BELIEVE. ‘Yan ang madalas nating banggit kapag may isang nagkukwento sa atin. Sa madali’t sabi, kailangan magpakita ang nagkukwento ng ebidensiya o dalhin tayo sa lugar ng ebidensiya.

Ayon sa Republic Act 6713, ang mga taga-gubyerno ay kailangang magbigay ng deklarasyon ng kanilang ari-arian, mga bayarin at netong halaga at ibunyag ang kanilang mga negosyo at koneksyong pinansiyal at tukuyin ang kanilang mga kamag-anak na nasa serbisyo sa gubyerno. Ang porma para dito, na nasa website ng Civil Service Commission, ay mas kilala sa katagang SALN.

Sinasabi sa mga gabay na hindi kailangan magsama ng anumang dokumento na nagpapatunay ng kanilang deklarasyon sa panahon ng pagsumite ng SALN.

Ito ang kabuuan: “Note that you are not required to attach any documents to vouch or substantiate the information disclosed at the time of submission. However, you must ensure that all information provided is supported by proper and adequate documentation, and must be prepared to produce the same when required in the future.”

Para matugunan ang mga katagang “to see is to believe”, pwede bang photo documentation? Pwede bang i-require na kuhanan ng litrato ang mga ari-arian o lahat ng bagay na may kinalaman sa SALN at isumite ang mga ito bilang supporting documentation?  Pwede bang umpisahan sa kani-kanilang bahay?

Para din na sila gumastos, pwede bang pagbuksan sa news photographers ang kanilang bahay na kung saan nandun din ang iba pa nilang ari-arian? Pwede ba nilang pakunan ng litrato ang kanilang kusina, ang kanilang mga kinakain, ang kanilang tulugan, ang kanilang kurtina, ang kanilang kama, ang kanilang banyo, ang kanilang mga pampaligo, ang kanilang sala, ang kanilang mga libangan, ang kanilang garahe, ang kanilang mga sasakyan, ang kanilang hardin, ang kanilang swimming pool, ang kanilang… at ang listahan ay hahaba pa.

Pwede bang umpisahan ito sa mga presidentiable? Pwede bang sa araw ng kanilang pagdeklara ng kandidatura ay pagbuksan na rin nila sa news photographers and kanilang mga tahanan?

Baka naman pwede.

Kung pwede at para mas may pagpipilian na litrato ang mga sasang-ayon na pagbuksan ang kanilang mga tahanan, pwede din na magpa-photo contest sila sa kanilang tahanan. Ito ang mungkahi kong titulo ng contest: “A Day in the ALN of Presidentiable (pangalan ng kandidato)”.

***

Binuksan kahapon sa SM Mall of Asia ang exhibit na “Cory… Isang Pagpupugay”. Itinatampok ang piling-piling 60 larawan, published at unpublished, sa print exhibit at higit 100 pa sa isang photo show na kuha ng ilang Filipino photojournalists sa burol hanggang libing ng dating pangulo at tinaguriang icon of Philippine democracy. Mabuhay ang photojournalism sa Pilipinas!

Advertisement

12 Comments

  1. nkakatuwa ang snabi dto ni jimmy ipinakikita nya na kailangan tlaga ntin ng photojournalism upang mpahayag at maipkita ang gusto ntin ipaalam sa iba.

  2. Tama ang banggit ni Mr. Jimmy hinggil sa SALN. Pag ang isang tao ay opisyal o kawani sa pamahalaan, elective man o appointive ang posisyon, lahat ay dapat mag-file ng taunang SALN. Dalawa ang dokumento, yung annual declaration at baseline declaration. Lahat ay dapat punuan. Ito ay duly notarized dahil ang lahat ng pagkasagot ay under oath making both as legal documents, ika nga ay parang sinumpaang salaysay or affidavit. Ang mga ebidensiya bilang pagpapatunay ng pag-aari ay maaring hindi ilakip subalit dapat handang ipakita pag ito ay hinanap bilang patunay. Ayon din sa forms, ang mga ari-arian ay maaring hindi isa-isahin pero may nakalagay na approximate value pati na din ang mga lupain kahit ito ay minana, yun bang fair market at assessed values. Subalit meron ding karapatan hinggil sa Right to Privacy. Constitutional guarantee yan. Ika nga what is private cannot be invaded, i.e. yung privacy within your residence or abode. Meron kasing thin line on what is public and private life. Lalo na ang mga inihalal.

  3. ..it is right that the presidentiable must be welcome their house in the news photojournalist so that the picture may speak for theirselves. I’m really favor of Mr. Domingo. On how he viewed the perspective of the politician of todays.
    I hope that your contest ” A Day in the ALN of Presidentiable (pangalan ng kandidato)” will be successful. :)
    by:margaret(spark staffer)

  4. wow! ang galing..totoo ngang napakahelpful ng photojourn sa atin…dhil sa mga pictures mas makikilala natin ang mga kandidato na nagpapapogi ngaun dhil sa nalalapit na halalan….mabuhay ang photojournalism!!!!!

  5. i agree with this article..photographing the house and other belongings of the candidates can really help people to get to know more about their chosen candidates..and i realized photojourn is a really big help to us..:)

    by:joanna(spark staffer)

  6. …..wow! photojourn is very helpful to us….don’t you think,because of pictures, we will know what do the presidential candidate do in their houses? I’m sure that “A Day in the ALN of Presidentiable (pangalan ng kandidato)will be successful……God Bless you!!!!Mabuhay ang mga photojournalist!!!!!!!

  7. i agree. tama talaga ang sinasaad dito ni mr. jimmy domingo. talagang makatutulong ang pagkuha ng mga photos, para na rin magkaroon ng sapat na ebidensya at mas maging makatotohanan ang mga isinusumite na dokumento. bakit nga ba di naisip iyon ng iba?! :)

  8. sabagay.. totoo naman talaga ang mga sisabi dito sa texto sa taas…

    not all your property as in.. in terms if food, clothes and recreations must be declared to the whole WORLS to see..

    what is you used a small accesorie that is worth, maybe a couple of thousands, a lot would you shout for the world to hear?

    para sakin.. hindi naman kasi kelangan na ipagsigawan mo sa buong mundo kung anu man ang meron at wala ka. nasa konsensya mo na yun kung korakot ka o hindi, ehh sa bandang huli kamatayan din naman ang sasalo sa lahat nang pagkakamali nang isang tao..

    yun lamang po.. nawa’y may natutuhan kayo sa mga nakasaad sa itaas at sa mga napamahagi ko…c”,) god bless and KEEP IT REAL!

  9. picture picture!… serves as evidence… lalo na sa court trial.. tama talaga si sir jimmy…

  10. According to statistics, an extreme number of people believe in the phrase
    “to see is to believe,” a simple phrase with limitless thoughts.
    I think Mr, Jimmy Domingo could invite all. With his paragraphs full of inviting words, I’m sure, he could change everybody’s impression about the politicians and candidates.
    If you’re going to ask me, words can be cover with lies but referring to what you see, cover it all… it will just be transparent… we could still see the truth.
    solons and candidates should also agree to this one… if they don’t… we could say that there is something fishy…
    and for the last words……………
    Mr. Jimmy Domingo————————congrats and thank you.
    You have given me another reason to be more journalistic………

    by kuya kim kenneth g. villacorta (*spark staffer*)

  11. Una sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa inyo Mr. Jimmy A. Domingo sa pagbabahagi ng inyong oras sa amin para ibahagi ang inyong kaalaman ukol sa pagkuha ng mga litrato.
    Ang isa sa mga di ko malilimutan sa inyong mga naibahagi ay ang anim na P- “Proper Planning Prevents Poor Photojournalism Performance”.
    Isang karangalan na makasama namin ang isang tulad mo kahit sa maikling panahon lamang.
    Sang-ayon ako sa sinasaad nito dahil maipapakita at maimumulat nito ang kaisipan ng tao sa tunay na kalagayan at katangian ng pangulo na kanilang ihahalal sa eleksyon. Ang pagkuha ng litrato ang isang patunay na kung saan nakikita ng tao ang lahat ng ari-arian na taglay ng pangulo na kanilang ihahalal.
    Maraming Salamat Po!

  12. whew… heavy… from a pic maipapakita ang katotohanan sa mga ariarian ng mga makapangyarihan…
    AGREE AGREE!!

    dapat lang talagang isulong ang photojourn sa bansa lalo na sa mga estudyanteng katulad namin…

    para maaga palang… mamulat na sa katotohanan tungkol sa mga tao sa pamahalaan…
    :D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.