Skip navigation

TOTOO BA ITO? Ito ang madalas tanong ng mga mambabasa kapag nakakakita sila ng mga litrato na magaganda.

Syempre maraming litrato na magaganda na talaga sa usapin ng kalidad ng ilaw, depth of field, point of focus, point of interest, composition at timing. At ang mga ito ay kadalasang produkto ng masisigasig na photographer. Mga photographer na may passion sa kanilang trabaho, mababa man ang sweldo at kulang man sa benepisyo. Mga photographer na ang tanging misyon ay makunan, gaano man kahirap, umulan man o bumagyo, ang mga kaganapan at maibahagi ito sa mambabasa.

Sa panahon kasi ngayon na napakadali na ang pag-manipula ng litrato gamit ang mga image-editing softwares sa computer, sobrang laganap na ang mga litratong manipulado o retokado. Marami nang nadidiskubre na manipuladong litrato na nakakalusot na mailathala. Bagamat may mga parang pulis na sa internet na walang ibang ginawa kundi maghanap ng mga manipuladong litrato.

Kaya naman sa mga sunod sunod na mga dinaluhan kong mga seminar-workshop tungkol sa photography at photojournalism nitong nakaraang mga buwan, tinalakay ng husto ang mga usapin kaugnay ng image manipulation. Ano lang puwede? Hanggang saan ang hindi puwede?

Sa isang seminar sa Senado kamakailan, kung saan ay lumahok ang mga photographer ng mga Senador, mga in-house at mga information officers; sa isang seminar kasama ang mga intern ng Philippine Center for Investigative Journalism; sa isang lecture sa Dep-Ed sa Paranaque; sa isang lecture-forum sa De La Salle Universty, at sa workshop ng Philippine Center for Photojournalism sa Subic noong isang linggo ipinakita ko ang ilang litrato na produkto ng image manipulations at tinatalakay ang epekto nito sa mambabasa o image consumers.

Ayon sa isang pag-aaral, mga 250 bilyon litrato ang nagawa noong isang taon at 500 bilyong ang tantyang photo production sa susunod. Ilan dito ang manipulado o retokado at lumulusot na mailathala? Gaano ang epekto nito sa mambabasa na di alam na ang mga ito ay retokado? Sa dami nito, sabi ng isang scholar, “we are on for a massive deception.”

Malaking usapin ang paglalathala ng retokadong litrato laluna kung ang mga ito ay news photographs. Ang news photographs ay hindi dapat manipulado. Dapat ito ay nagpapakita ng katotohanan. Kung retokado man, dapat ilagay sa caption na ito ay manipulado nga at nang hindi maloko ang mambabasa.

Mahalagang malaman ng mga photographer (o mga naghahangad na maging news photographer) ang hangganan ng image manipulation.

Hindi dapat mabasag ang tiwala ng mambabasa sa integridad ng isang pahayagan dahil lang sa paglalathala ng mga manipuladong litrato.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.